^

Probinsiya

Big time drug courier tiklo

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines – Bumagsak sa mga awtoridad ang isang 28 anyos na babaeng hinihinalang big time drug courier kasunod ng pagkakasamsam ng mahigit sa kalahating mil­yong halaga ng marijuana sa checkpoint sa Tabuk City,  Kalinga kamakalawa.

Kinilala ni Cordillera Police Director P/Chief Supt. Benjamin Magalong ang nasakoteng suspek na si Merlyn Guimba ng Brgy. Dulgao West, Tinglayan, Kalinga.

Ayon kay Magalong dakong alas-6 ng umaga ng maaresto ng mga awtoridad si Guimba habang lulan ng GL bus na patungong Baguio City na dumaan sa checkpoint sa Brgy. Agbannawang, Tabuk City.

Nasamsam mula sa bagahe ng suspek ang 22 kilo ng marijuana brick na nagkakahalaga ng P550,000.

 Hindi na nakapalag ang suspek matapos na mahuli ng mga awtoridad sa pag-iingat nito ang nasabing mga pinatuyong dahon ng marijuana.

Kasalukuyan na ngayong humihimas ng rehas na bakal ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Drugs Act of 2000.

 

BAGUIO CITY

BENJAMIN MAGALONG

BRGY

CHIEF SUPT

CORDILLERA POLICE DIRECTOR P

DRUGS ACT

DULGAO WEST

KALINGA

MERLYN GUIMBA

NUEVA VIZCAYA

TABUK CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with