5 tiklo sa pot session

BULACAN, Philippines – Rehas na bakal ang binagsakan ng lima-katao matapos madakma ng mga operatiba ng pulisya sa aktong nagpa-pot session sa Barangay Bancal, Meycauayan City, Bulacan kahapon ng madaling-araw. Pormal na kakasuhan ng pulisya ang mga suspek na sina Allan “Bong” Señarosa, 41, cell phone technician; Ricky Santos, 25, welder; Richard Barte, 31, trike drayber, pawang nakatira sa  Barangay Bancal, Meycauayan City, Bulacan; Jordan Cabigao, 30, ng Brgy. Paco at si Renato Flores, 36, ng Barangay Paliwas, Obando, Bulacan. Sa ulat ni P/Supt. Sydney Villaflor, naaktuhan sa pot session ang mga suspek sa bahay ng alyas Bong kung saan nasamsaman ng tatlong plastic sachet ng shabu at ilang drug paraphernalias.

Show comments