^

Probinsiya

Bike vs bike: 2 tinedyer todas

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawang tinedyer na lalaki ang iniulat na nasawi habang tatlong iba pa ang nasugatan makaraang magbanggaan ang motorsiklo sa kahabaan ng highway ng Barangay Nylon, Bogo City sa Cebu kamakalawa.

Kinilala ang mga nasawi na sina Ralph Vincent Gilig, 16; backrider sa motor­siklo at ang driver na si Ernesto Alburo, 15.

Sugatan naman ang driver ng nakabanggaang motorsiklo ni Alburo na si Darwin Duhaylungsod at mga kaangkas nitong sina Joey Baulunan at isang tinukoy sa pangalang Ariel.

Sa inisyal na imbestigasyon, kapwa walang lisensya ang dalawang driver habang si Alburo ay hindi pa maaring magmaneho dahil sa pagiging menor-de-edad.

Lumilitaw sa imbestigasyon na masyadong mabilis ang pagmo­motorsiklo ng dalawa na humantong sa malagim na banggaan.

Patuloy namang iniimbestigahan ng pulisya ang pamilya ng dalawang driver na pinahintulutang magmotorsiklo sa kapwa menor-de-edad at walang lisensya.

 

vuukle comment

ALBURO

BARANGAY NYLON

BOGO CITY

CEBU

DALAWANG

DARWIN DUHAYLUNGSOD

ERNESTO ALBURO

JOEY BAULUNAN

KINILALA

RALPH VINCENT GILIG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with