NIA executive itinumba
MANILA, Philippines - Napaslang ang 47-anyos na opisyal ng National irrigation Administration matapos pagbabarilin ng di-kilalang lalaki sa bahagi ng Barangay Tomana sa bayan ng Rosales, Pangasinan kamakalawa ng umaga. Napuruhan sa tiyan at idineklarang patay sa Del Carmen Hospital ang biktimang si Ben Brigania, water master ng NIA at nakatira sa Barangay Pindangan, Alcala. Ayon kay P/Chief Inspector Jackson Seguin, hepe ng Rosales PNP, naghihintay ng sasakyan sa waiting shed sa harap ng nasabing ahensya ang biktima nang lapitan at ratratin. Lumilitaw pa sa pagsisiyasat na nakatanggap ng pagbabanta sa buhay ang biktima noong nakalipas na magkakasunod na buwan bago ang pamamaslang.
- Latest