^

Police Metro

Seguridad ni Marcos dinoble ng PSC

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dinoble na ng Presidential Security Command (PSC) ang bilang ng security personnel na nakatalaga kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., matapos ang pagbabanta ni Vice President Sara Duterte.

Sinabi ni Major Nestor Endozo,. Civil Military Operations officer ng PSC, na naka-red alert na ngayon ang kanilang hanay at nagpatawag na ng emergency meeting si PSC commander Brig. General Jesus Nelson Morales ilang oras matapos ang pagbabanta ni VP Duterte.

“Ang instructions samin dito ido-double natin ang security ni President, lalo sa mga upcoming activities,” pahayag pa ni Endozo.

Ayon pa kay Endozo, wala pa namang abiso ang Presidential Communications Office (PCO) at Presidential Management Staff (PMS) sa PSC kung lilimitahan o babawasan ang mga public engagements ni Pangulong Marcos.

Ito ay dahil panay ikot ni Pangulong Marcos sa ibat ibang bahagi ng bansa para bigyang ayuda ang mga biktima ng anim na magkakasunod na bagyo.

Hindi rin aniya natalakay sa pulong ng PSC kung lalagyan ng bullet prof glass ang gagamiting podium ni Pangulong Marcos sa mga public engagement.

Hinihintay naman ng PSC ang utos ni Morales kung papagsuutin ng bullet proof vest ang Pangulo sa kaniyang mga aktibidad sa labas ng Palasyo at didepende rin kung gusto itong isuot ng punong ehekutibo.

PRESIDENTIAL SECURITY COMMAND

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with