^

PM Sports

Heart Ofa Champion magaan na tinawid ang meta

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines —Hindi man lang pinagpawisan ang Heart Ofa Champion ng sikwatin nito ang panalo sa 3-Year-Old & Above Maiden Race na nilarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas noong Sabado ng hapon.

Kumaripas sa largahan ang Heart Ofa Champion upang hawakan ang bandera at makalamang agad ng anim na kabayo sa pumapangalawang Moderna sa kalagitnaan ng karera.

Pagdating ng far turn ay pinapakain na ng alikabok ng Heart Ofa Champion ang mga katunggali kaya naman sa rektahan ay beripikadong magaan na mananalo ito.

Tumawid sa finish line ang Heart Ofa Champion ng halos mahigit na 10 kabayo ang agwat sa pumangalawang Star Of The Show, tersero ang Moderna habang pumang-apat ang Malbatan Island.

Ginabayan ni jockey Pabs Cabalejo, nirehistro ng Heart Ofa Champion ang tiyempong 1:25.8 minuto sa 1,400 meter race sapat upang hamigin ng winning horse owner na si Feliciano Dela Cruz ang P22,000 added prize.

Nasungkit naman ng breeder ng nanalong kabayo ang P4,500 habang P1k at P500 ang second at third, ayon sa pagkakasunod.

Impresibo ang isinumiteng oras ng Heart Ofa Champion kaya naman hinahanda na ito sa susunod niyang sasalihang karera.

vuukle comment

HEART OFA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with