Suklam (122)
Matagal nang nakarating sa bahay si Brent ay hindi pa rin siya makapaniwala na mayroon siyang nakilalang babae. At hindi lamang simpleng pagkikilala ang nangyari sa kanila sapagkat naging malalim na agad iyon sa unang araw pa lang.
Mayroon palang ganun na parang matagal na silang magkakilala ni Leah. Nagtataka pa rin si Brent sa sarili sapagkat sobrang dami niyang naiisip sabihin habang kausap si Leah. Hindi siya nauubusan ng sasabihin at maski joke. Ganun kaya talaga kapag ang nakilalang babae ay malapit sa puso? Talagang hindi niya mapigilan ang pagsasalita kapag kaharap si Leah. Nagtataka siya sa sarili dahil hindi naman siya ganun. At wala pa siyang nagiging nobya.
Kinabukasan, tinanong siya ng tatay niya. Nagkakape siya.
“Hindi ka na kumain kagabi, Brent?”
“Hindi na ‘Tay. Busog na ako.’’
“Saan ka kumain?’’
“Nagkape lang — pero nabusog ako.”
Nagtatakang napatingin ang tatay niya.
Ikinuwento ni Brent na may nakilala siyang babae at ‘yun ang nakasamang magkape.
“Mukhang may makakasama ka na sa buhay, ha-ha-ha!’’
“Baka nga ‘Tay, ha-ha-ha!’’
Linggo, dumalaw si Brent kay Leah. Napaaga siya ng punta sa bahay nito sa Sulucan. (Itutuloy)
- Latest