^

PM Sports

Olympic-bound athletes atat nang mag-ensayo sa Metz

Russell Cadayona - Pang-masa
Olympic-bound athletes atat nang mag-ensayo sa Metz
Sina POC president Abraham “Bambol” Tolentino at Chef de Mission Jonvic Remulla kasama ang mga athletes at coaches sa Metz training camp.

MANILA, Philippines — Walang dapat saya­nging oras ang walo sa 15 national athletes na naunang bumiyahe sa Metz, France para sa training camp bilang preparasyon sa 2024 Paris Olympic Games.

Ito ang sinabi ni Phi­lip­pine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino kasama si Chef de Mission Jonvic Remulla sa mga Olympics-bound athletes.

“It’s all systems go here at La Moselle,” wika ni Tolentino. “The morale of the team is very high.”

Dumating sa Metz no­ong Sabado ng umaga sina Tokyo Olympics sil­ver medalists Carlo Pa­alam at Nesthy Pete­cio ng boxing, Vanessa Sar­no, Elreen Ando at John Febuar Ceniza ng weightlif­ting, rower Jo­anie Delgaco at boxers Aira Villegas at Hergie Bac­­yadan.

Ito ang unang pagkakataon na nagsagawa ang POC ng isang training camp para sa mga Olympic athletes isang buwan bago ang Paris Olympics na nakatakda sa Hulyo 26 hanggang Agosto 11.

“The first batch of athletes that flew in with us here last Saturday mor­ning are amazed with the facility and are eager to wind up their training for their respective events for the Olympics,” ani Tolentino

Hindi naman maitago ng mga Pinoy athletes ang kasabikang mag-ensayo sa nasabing pasilidad.

“The athletes are exci­ted and enthusiastic about this training camp the main objective of which is to make sure our athletes are in top shape for the competitions,” wika ni Chef De Mission Jonvic Re­mulla.

Inaasahang dara­ting sa Metz sina Tokyo Olympics bronze meda­list Eumir Felix Marcial ng boxing, pole vaulter EJ Obiena, fencer Sa­mantha Catantan at gymnasts Carlos Yulo, Emma Malabuyo at Levi Ruivivar.

Kumpiyansa si Tolentino na aabot sa 20 ang mga Pinoy athletes na sasabak sa Pa­ris Olympics mula sa athletics, golf at swimming.

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with