^

Bansa

AKAP Mall Tour, namahagi ng P268 milyon sa 53K benepisyaryo

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
AKAP Mall Tour, namahagi ng P268 milyon sa 53K benepisyaryo
House Speaker Martin Romualdez on September 25, 2024.
PPA pool photos by Revoli Cortez

MANILA, Philippines — Pormal na inilunsad kahapon ng House of Representatives, sa pamumuno ni Speaker Martin G. Romualdez, ang Ayuda Para sa Kapos ang Kita Program (AKAP) mall tour kung saan umabot sa kabuuang P268.5 milyon ang naipamahaging ayuda sa 53,000 kwalipikadong empleyado ng mall at empleyado ng mga tenant sa apat na malalaking SM Supermalls sa Metro Manila na nakatanggap ng P5,000 bawat isa.

Ayon kay Speaker Romualdez, ang AKAP Mall Tour ay pagtugon sa panawagan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos para sa isang sama-samang pagkilos ng pamahalaan upang harapin ang epekto ng inflation at pagtaas ng presyo ng mga pangunahing pangangailangan, at upang matulungan ang mga minimum wage earners, low income worker, at mga higit na nangangailangan. Ayon kay Deputy Secretary General Sofonias Gabonada, ang aktibidad na ito ay hindi lamang nagkakaloob ng pinansyal na ginhawa sa mga benepisyaryo kundi tumutulong din sa pagpapasigla ng ekonomiya sa mga mall at lokal na negosyo, upang matiyak na ang tulong ay naipapaabot sa mga Pilipinong higit na nangangailangan.

Sinabi ni Gabonada na simple lamang ang proseso ng pagpaparehistro para sa mga benepisyaryo ng AKAP: ang mga kwalipikadong manggagawa ay kailangang magpare­histro online sa Bagong Pilipinas platform at ipakita ang kanilang Bagong Pilipinas ID.

Idinagdag niya na may mga scanner na nakalagay sa mga entrance ng mall para tiyakin ang pagiging kwalipikado ng mga empleyado. Pagkatapos ng validation, makakatanggap sila ng notification na magbibigay ng iskedyul ng kanilang payout at iba pang mga kinakailangang dokumento.

TOUR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with