^

Punto Mo

Mayang (128)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

PUMUWESTO sa may bintana sina Mayang, Lolo Nado at Mam Araceli. Mula roon ay kitang-kita nila ang mga taong paparating. Mga limang tao ang nakikita nila at pawang armado ang mga ito.

“Ano ang gagawin natin, Lolo Nado?’’ tanong ni Mayang.

“Ako ang bahala. Kapag nagpilit silang pumasok dito sa bahay, hahagupitin ko sila nitong latigong bagin.’’

“May mga baril sila Lolo Nado,” sabi ni Mam Araceli.

“Kahit barilin nila ako, walang problema.’’

“Bakit po Lolo?’’ tanong ni Mayang.

“Hindi ako tinatablan ng bala!’’

Ipinakita ni Lolo Nado ang nakakuwintas na pangil ng baboyramo.

“Yung binigay ko sa iyong agimat na pangil ng baboyramo ay ikuwintas mo.’’

“Nakakuwintas na po Lolo. Si Mam Araceli po, paano siya?’’

May dinukot si Lolo Nado sa bulsa. Iniabot kay Mam Araceli.

“Isuot mo Mam Araceli para may proteksiyon ka.’’

“Salamat po Lolo. E yun pong binigay mo kanina para saan yun?’’

“Para hindi ka malapitan ng sinumang magtatangka. Kahit magkahi-hiwalay tayo, makakaligtas ka dahil diyan.’’

“Salamat po, Lolo.’’

“Si Jeffmari ba ay mayroon nang kuwintas, Mayang?’’

“Meron na po.’’

“Mabuti. Ganito ang gagawin natin, kapag pumasok ang mga taong paparating, magtago kayong tatlo sa kuwarto at ako na lamang ang haharap sa kanila.’’

“Opo Lolo,’’ sagot ni Mayang.

“Paano kung hindi mo sila makaya, Lolo?’’ tanong ni Mam Araceli.

“Kakayanin ko! Mas malakas ang power ng mga hawak ko. Bukod dun, sagana rin ako sa panalangin sa Diyos. Kakayanin ko sila!’’

Maya-maya nakarinig sila ng ingay sa gate.

Nang sumilip sila sa bintana, nakita nila ang tatlong lalaki na umaakyat sa gate. Walang anuman na nakasampa at lumukso.

“Papasukin na nila tayo!” sabi ni Lolo Nado. “Dali, magtago kayo sa kuwarto. Isara n’yo ang pinto. Ako na ang bahala sa kanila!’’

Nagmamadaling tumakbo sa kuwarto na kinaroroonan ni Jeffmari sina Mayang at Mam Araceli. (Itutuloy)

TRUE CONFESSION

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with