^

PSN Opinyon

Patas na probe kay Mayor Guo

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Ito ang apela ni Bamban Mayor Alice Guo sa isang personal­ na liham na ipinadala ng kanyang mga abogado sa Mala­cañang kaugnay ng namimintong pagsasampa ng kasong nagdadawit sa lady Mayor sa operasyon ng ilegal na POGO: fair investigation.

Ipinaabot ang kalatas kay Executive Secretary Lucas Bersamin na namumuno rin sa Presidential Anti Organized Crime Commission (PAOCC).

Bilang akusado, karapatan naman niya na gawin ang lahat ng remedyong legal para malusutan ang asunto.

Pero sa tingin ko, walang dahilan upang hindi maging patas ang pagsisiyasat pati na ang paglilitis sa kasong ito na bumulaga sa bawat Pilipino sa pagsisiyasat “in aid of legislation” ng Senado sa nabuking na illegal POGO opera­tion sa Bamban, Tarlac na nagdadawit sa kanyang pangalan.

Hindi siya prominenteng politiko na puwedeng gawan ng mga asuntong politically motivated. Nakasisindak lang ang kanyang mga pahayag sa Senate inquiry na nagdudulot ng pagdududa sa tunay niyang pagkamamamayan, pati na ang koneksyon niya sa mga criminal elements na Intsik na kasosyo nito sa POGO.

Sa panahong mainit ang isyu tungkol sa pananakop ng China sa ating territorial waters, ang kaso laban kay Guo ay hindi maaaring ipagwalang-bahala dahil pambansang seguridad ang nakataya.

Ang mga POGO, na bagamat sinasabing ilegal ng China ay may posibilidad na kanlungan ng mga POGO workers na sa katunayan ay mga sundalong Intsik na maaaring sumalakay na bigla kapag nagbigay ng hudyat ang pamahalaan ng China.

Kung tunay na Pilipino si Guo na nagmamahal sa bayan, kusa na lang siyang magpasiyasat at magpalitis at kung wala siyang sala ay hindi siya maparurusahan. Ang dapat lang mangilag at matakot sa siyasat ay ‘yung mga may itinatagong maitim na balak.

vuukle comment

ALICE GUO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with