^

PSN Opinyon

EDITORYAL — Maraming itinatago ang Bamban mayor

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL � Maraming itinatago ang Bamban mayor

DAPAT magkaroon pa nang malalim na pag-iimbestiga ang Senado kay Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo. Habang tumatagal ay lalo pang nagiging “mahiwaga” ang kanyang pagkatao. Lalo siyang nagiging kontrobersiya at palawak nang palawak ang mga natutuklasan sa kanya. Mula sa maliit at pangkaraniwang tao na pinanganak lamang umano sa bahay, walang birth certificate, walang school records, hindi kilala ang kanyang ina, walang kapatid at lumaki sa piling ng ama na may mga alagang baboy, biglang nabago ang mga sumunod na kuwento ng mayor.

Sa ikalawang pagdinig, sinabi ni Guo na ang kanyang ina ay kasambahay at naanakan ng kanyang amang Chinese. Nang tanungin ni Sen. Risa Hontiveros, pinuno ng Senate Committee on Wo­men, ­Children, Fa­mily Relations and ­Gender ­Equality, kung bakit hindi agad nito sinabi na siya ay anak ng kasambahay, sagot ni Guo, ayaw daw niyang ungkatin pa iyon dahil personal na raw iyon. Natuklasan din na may dalawang kapatid si Guo at lagi niya itong kasama sa pagbibiyahe sa abroad. Taliwas sa sinabi nitong wala siyang kapatid. Nalaman din na madalas ding magbiyahe sa China ang ama nito.

Ang pinakahuling natuklasan kay Guo ay napakarami nitong mamahaling sasakyan. Nalula ang mga senador sapagkat 16 na sasakyan ang na­karehistro kay Guo. Sinabi ni Hontiveros, kabilang sa mga sasakyan ni Guo ay mga sports utility vehicles, pickup trucks, closed van at dump trucks at nalaman din na mayroon itong helicopter.

Ipinakita sa pagdinig ang larawan ang McLaren 620R na ginamit umano ni Guo sa isang car show noong Dis.11, 2023. Nagkakahalaga umano ito ng P16.7 milyon. Itinanggi naman ni Guo na pag-aari niya ang McLaren, Hiniram lang daw niya ito sa mayor ng Concepcion, Tarlac. Marami raw sa kanyang mga sasakyan ang binenta na niya dahil buy ang sell ang kanyang negosyo. Binanggit niya ang Westcars na kanyang negosyong buy and sell. Incorporator daw siya ng Westcars. Mayroon din siyang piggery, meat shop, farms, at embroidery. Nagmamay-ari rin siya ng helicopter na binenta na rin niya.

Kahina-hinala ang pag-aari ni Guo ng mga sasakyan. Nararapat na ring imbitahan ang Bureau of Customs para malaman ang katotohanan. Nagbayad kaya siya ng tax sa mga sasakyan? Masyado nang malalim ang pagkatao ni Guo at dapat pang mahukay. Marami pang dapat malaman sa kanya. Dami pang nakatago.

vuukle comment

LAW

MAYOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with