^

Metro

Misis timbog sa pagpatay sa asawang Pakistani

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Misis timbog sa pagpatay sa asawang Pakistani
Kinilala ni Valenzuela City Police Chief P/Col. Nixon Cayaban ang naarestong akusado na si alyas “Jenna”, 39, at residente ng South Balintawak sa Quezon City.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

MANILA, Philippines — Arestado ang isang ginang na umano’y suspek sa pagpatay sa kanyang asawang negos­yante na isang Pakistani national nang matunton ang pulisya ang pinagtataguan nito sa Valenzuela City, kamakalawa.

Kinilala ni Valenzuela City Police Chief P/Col. Nixon Cayaban ang naarestong akusado na si alyas “Jenna”, 39, at residente ng South Balintawak sa Quezon City.

Unang lumabas sa imbestigasyon na nagpanggap na customer ng resort ng biktima sa Brgy, Payumo, Dinalupihan Bataan ang suspek na riding-in-tandem noong nakaraang taon.

Dito ay walang sabi sabing pinagbabaril ng mga suspek ang biktima saka mabilis na tumakas.

Subalit sa pagsisiyasat ng pulisya, natuklasan na ang mismong may-bahay na Pinay ng biktima na si alyas Jenna ang nasa likod ng pamamaslang.

Nakatala bilang Top 4 Most Wanted Female Fugitive ng Police Regional Office (PRO) 3 ang akusado kaya nang makatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Valenzuela Police Intelligence Section (SIS) na madalas siyang mamataang nagtutungo sa Brgy. Maysan, agad ikinasa nila ang operasyon at naaresto ito,alas-2:50 ng hapon sa bisa ng warrant of arrest na inilabas noong Pebrero 13, 2024 ng Dinalupihan, Bataan Regional Trial Court (RTC) Presiding Judge Ma. Lourdes Eltanal Ignacio ng Branch 5 para sa kasong murder na walang inirekomendang piyansa.

ARRESTED

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with