^

PM Sports

Marangal pinasaya ang mga dehadista

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinatama ng Marangal ang mga dehadista sa karera matapos sikwatin ang panalo sa PHILRACOM Rating Based handicapping System na nilarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas noong Sabado.

Umarangkada sa largahan ang Marangal pero sinabayan ito ng On Eagles Wings at nagbakbakan sila sa unahan habang pinanonood sila ng Wesfacckol at Binibini.

Nakaungos ng bahagya ang On Eagles Wings ng kalahating kabayo pero hindi ito pinatagal ng Marangal at inagaw nito ang unahan pagsapit sa kalagitnaan ng karera.

Hindi na hinayaan ng Marangal na makaporma pa ang On Eagles Wings kaya lalo pang umungos ang winning horse sa far turn at umabot ito sa tatlong kabayo, nasa tersero na ang liyamadong Binibini at pang-apat ang Wessfacckol.

Pagsapit sa huling kurbada ay solo pa rin sa unahan ang Marangal habang nagkukumahog sa kahahabol ang Binibini, On Eagles Wings at Wessfacckol.

Ginabayan ni jockey MD De Jesus, pinitik pa rin nito ng latigo ang Marangal sa rektahan kahit nasa tatlong kabayo ang kanyang lamang sa mga humahabol.

Nanalo ang Marangal ng may pitong kabayo ang lamang sa pumangalawang Wessfacckol, tersero ang On Eagles Wings habang pang-apat ang Binibini.

Nilista ng Marangal ang tiyempong 1:31.4 minuto sa 1,400 meter race sapat upang hamigin ang P11k added prize ng winning horse owner.

vuukle comment

METRO TURF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with