^

PM Sports

Pinoy bets hataw ng 3 medals sa Malaysia

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nakasikwat ang national duathlon team ng isang ginto, isang pilak at isang tanso sa Powerman Malaysia na ginanap sa Dataran Putrajay sa Malaysia.

Nanguna sa kampanya ng Pinoy squad si Southeast Asian Games champion John Leerams Chicano na nakaginto sa male elite category.

Nagrehistro ang two-time Southeast Asian Games gold medalist ng dalawang oras, 41 minuto at 48 segundo para angkinin ang unang puwesto sa kaniyang dibisyon.

Nakumpleto ni John Patrick Ciron ang 1-2 punch para sa Pilipinas matapos masiguro ang pilak na medalya bunsod ng naitala nitong dalawang oras, 47 minuto at 15 segundo.

Nagkasya lamang sa tanso si Malo Moysa ng France na may dikit na 2:47:34.

Nagdagdag naman si Merry Joy Tropa ng tanso a sa women’s elite class.

Naorasan si Tropa ng 3:19:27 para makuha ang tanso.

Nanguna si Rendy Williams ng Amerika na may naisumiteng 3:09.34 habang pumangalawa naman si Esther Joy Hong Li Chen ng host Malaysia na naglagak naman ng 3:13:35.

 

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with