^

PM Sports

Bea Bell reyna ng 2nd Leg ng Triple Crown

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Binigo ng Bea Bell ang asam ng Ghost na sweep matapos manalo sa 2024 PHILRACOM 2nd Leg Triple Crown Stakes na ginanap sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas noong Linggo ng hapon.

Nasaksihan ng mga karerista ang husay ng Bea Bell ng makipagtagisan ng bilis sa mga mahigpit na karibal first leg winner Ghost at Batang Manda.

Humarurot ang Worshipful Master paglabas ng aparato upang hawakan ang bandera ng dalawang ka­bayong bentahe sa humahabol na Bea Bell sa kalagitnaan ng karera.

Pagdating ng far turn ay nagbabakbakan na sa una­han ang Worshipful Master at Bea Bell, habang nasa tersero at pang-apat ang Batang Manda at kakampi ng una na King James.

Papalapit ng huling kurbada ay nakihalo na rin ang Batang Manda at High Dollar sa Worshipful Master at Bea Bell.

Subalit sa rektahan ay naagaw na ng Bea Bell ang unahan at rumeremate sa bandang labas ang Ghost.

At dahil nakabuwelo na ang Bea Bell ay hindi na rin umabot ang Ghost.

Nanalo ang Bea Bell ng kalahating kabayong agwat sa pumangalawang Ghost at terserong dumating ang High Dollar at pang-apat ang Worshipful Master.

Ginabayan ni reigning Philippine Sportswriters Association (PSA) Jockey of the Year John Alvin Guce, inirehistro ng Bea Bell ang tiyempong 1:54.4 minuto sa 1,800 meter race.

Nasungkit ng Bell racing stable na pag-aari ni Elmer De Leon ang tumataginting na P1.5 milyong premyo ng Bea Bell, habang nakopo naman ng Ghost ang P500,000 at may P250,000 at P125,000 ang third at fourth placers na High Dollar at Worshipful Master, ayon sa pagkakasunod.

vuukle comment

BEA BELL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with