^

Pang Movies

Arnel Pineda, pinagtanggol ng kamiyembro sa Journey

SO CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Arnel Pineda, pinagtanggol ng kamiyembro sa Journey
Arnel

Ipinagtanggol ng mga miyembro ng bandang Journey ang kanilang Pinoy vocalist na si Arnel Pineda kaugnay sa naging performance nito sa Rock in Rio Music Festival sa Brazil na may mga hindi nasiyahan.

Isang “biological instrument” ang boses ng tao at naapektuhan ito ng iba’t ibang dahilan. Habang nagkakaedad ang isang singer, nagbabago raw ang tinig nito.

Sa Instagram post, inihayag ng drummer ng banda na si Deen Castronovo na, “Arnel has RISEN to the challenge of Journey’s catalog, NIGHT after NIGHT, YEAR after tiring YEAR! He gives to YOU ALL and Journey, the best that he can give you. Sometimes it DOES NOT, CANNOT or WILL NOT cooperate when needed. So, what’s the point of hammering a human being over something they have no control over? Back off trolls!“

Nag-post si Arnel sa social media ng paumanhin sa fans na hindi nasiyahan sa kanyang performance sa Brazil dahil nahirapan siyang abutin ang mataas na tono sa kanilang kanta na Don’t Stop Believin.

Sixteen years nang lead vocalist si Arnel ng Journey after siyang mapili ng banda bilang kapalit ng dating lead vocalist na si Jeff Soto noong 2007.

Rabiya, wish pasampal

Type palang magpasampal ni Rabiya Mateo kay Jean Garcia sa teleserye na Widows’ War.

Wish ng former Miss Universe Philippines 2020 na mag-crossover ang character niyang si Tasha na galing sa teleserye na Royal Blood.

“I’m open to the idea na si Tasha papasok sa Widows’ War. At sana makaeksena niya ang isang Jean Garcia, ‘di ba? Masampal man lang siya ni Aurora. Pangarap ko ‘yon na mabingi sa sampal ni Ms. Jean Garcia!” tawa pa niya.

Pero tumaas ang kilay ng mga marites sa sinabi ni Rabiya. Baka raw ang dahilan kung bakit type niyang lumabas sa Widows’ War ay hindi dahil kay Jean kundi kay Jeric Gonzales. Balita kasing hiwalay na naman sila at in-unfollow niya sa social media ang Kapuso actor pero sila pa rin daw.

Iconic Italian Actress, sinorpresa sa kanyang 90th

Nag-turn 90 ang iconic Italian actress na si Sophia Loren at sinorpresa siya ng kanyang friend na si Giorgio Armani with a special birthday dinner.

Maraming malapit sa Oscar-winning actress na umabot ito sa 90th birthday niya. Last year ay naospital ang aktres dahil sa isang aksidente sa bahay niya sa Geneva, Switzerland. Nag-suffer ito ng hip fractures and femur fracture noong madulas ito sa bathroom. 

Thankful si Sophia na dahil sa rehabilitation at dasal ng kanyang pamilya at mga kaibigan kaya gumaling siya at buhay pa siya ngayon.

vuukle comment

ARNEL PINEDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with