^

Pang Movies

Marian prinomote ang show ni Heart

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pilipino Star Ngayon
Marian prinomote ang show ni Heart

Marian Rivera

Isinama ni Marian Rivera ang My Korean Jagiya sa pagpa-plug ng back to back show nilang mag-asawa, ang Super Ma’am at Alyas Robin Hood, sa kanyang Instagram kahapon.  As we all know, hindi pa nagtatapos ang isyu sa kanila ni Heart Evangelista na bida sa MKJ.

Ikinatuwa ito ng followers ni Yan dahil hindi nila ini-expect na gagawin ‘yon ng kanilang idolo.

“Si Ms. Marian ay maganda at lalo siya gumanda dahil dito. Peace peace peace sa lahat para ma­saya. Enjoyin ang bawat programa. God bless you Mrs. Dantes,” - @s2sali­bygrace.

“Wow, u have a good & humble heart so that the spi­  rit of God always w/u, teach & guide u, proven that u have wisdom from this earth that teach us to be high. Thank you stay sweet & humble, more blessings and may God keeps u and all to love one,” - @katemelodygonzales.

“I admire you more by being well-educated and showing your professiona­lism. Kudos yan. we support Dongyan,” - @khaleisil.

“See Marian endorse heart show it’s not cropped! Sana matapos na po yun issue ng mga fans ni Marian at si heart kayo lan po may issue yun dalawa ar­tists wala naman po,” - @classikasandra.

Maging ang mga artistang kasama sa comeback series ay kanyang pinost sa IG dahil pamilya na ang turing niya sa mga ito. Sa totoo lang, sa taping kahapon, nabusog ang ilan sa pasalubong ni Yan galing sa Cebu kung saan nagkaroon siya ng mall show kasama ang ibang cast, huh!

Cristalle at asawa nasa honeymoon stage pa rin!

Matapos ikasal sa Paris, France, nag-celebrate naman ng unang taon ng kasal ang anak ni Dr. Vicki Belo na si Cristalle at asawang si Justin Pitt.

Inilabas ng ngayong Mrs. Hayden Kho ang madamdamin niyang pagbati sa anak.

“Happy anniversary @cristallebelo and @justinpitt77. I am so happy that you are still honeymooning 1 year later. May your passion and love for one another last a lifetime. God bless!”

Ikinasal sa Lake Como sa Italy last year sina Cristalle at Justin. Kanya ring ibinahagi ang sweet moments sa kasalan sa kanyang IG.

Philstar
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with