Bianca nate-tense ‘pag pinag-uusapan ang pagbubuntis

MANILA, Philippines - Hanggang ngayon ay marami pa rin ang kinikilig sa love story at proposal na nangyari sa mag-sweetheart na sina Bianca Gonzalez at JC Intal kaya excited na ang karamihan sa magaganap na kasalan ng engaged couple this December 2014.

Pero bago ito, ay nagkuwento muna ang dalawa tungkol sa mga nadiskubre nila sa isa’t isa sa loob ng kanilang tatlong taong relasyon. Sa interview nila sa Buzz ng Bayan ni Boy Abunda ay sinabi ng pareho ang sikreto na…”Mas OC (obsessive-compulsive) at mas banidoso raw si JC kesa sa kanya,” ayon sa TV host na si Bianca.

 â€œKnowing Bianca kasi, konting ano lang, sobrang pikon siya sa akin,” sambit naman ng basketbolistang si JC na hilig talagang mang-asar sa kanyang gf.

Mas selosa naman daw si Bianca.  

Sabi ni JC, “Alam ko na kapag medyo nag-iiba ang tone niya. ‘Bakit ganito, bakit ganyan?’

“Of course, I have to explain lang na palambing.”

Dugtong naman ni Bianca, “At saka hindi siya yung type na… halimbawa, you wear something fitted, parang napi-feel ko na mas proud siya na tao kesa possessive.”  

Natatawang sagot naman ni JC, “But not all the time!”

Samantala, isang bagay naman na pinagkakasunduan at hilig nilang dalawa ay ang pagta-travel.

 â€œDoon mo mate-test ang patience ng bawat isa. And, of course, ‘yung special moment na kaming dalawa lang.”

 â€œNakita ko na kasi ang bad side niya, the worse and the best. Sabi ko, I think it’s time na to settle down,” ayon pa kay JC.

Bakit sa airport niya napiling mag-propose kay Bianca?  

“Timing lang din, timing lang na aalis siya,” saad ni JC.

At ang kasal?

“This December,” banggit pa ng basketbolista.

Sabi naman ni Bianca, “They want pa late November or early December. Sabi ko, ‘Why not, we’re not getting any younger.’”  

Handang-handa na raw mag-asawa si JC dahil nakapagpatayo na ito ng bahay at may lilipatan na sila agad ni Bianca. Excited na ba si Bianca sa first baby?  

“Oh, my God, nate-tense ako! ‘Yung brother ko, sinasabi, ‘Ayokong malaki ang age gap ng mga anak ko sa mga pinsan niya.’  

“Sabi ko, ‘Wait lang, hindi pa ako ready. Hindi pa ako nakakahinga, iisipin ko muna.’”  

Aminado naman si Bianca na ito raw ang taon na masasabi niyang pinakamasaya sa buhay niya.  

“Sobra, never in my wildest dream na inakala ko na magiging deserving ako.”    

Ano ang mensahe nila sa isa’t isa?  

“I’m just thankful na na-prove niya, hindi mo magagawan ng formula na itong klase ng tao ang gusto mo at makukuha mo. I’m just thankful he treats me so well, super-suwerte ko talaga.”  

 â€œI love her very much. No promises, I’m sure napapa-feel ko naman sa kanya yung love na gusto niya.  

“Of course, may times na nandiyan ang away-bati, bati-away. But kaka­yanin namin,” pahayag ni JC.               

Show comments