Louise makakapag-concentrate na sa trabaho

Okay kay Louise delos Reyes ang breakup nila ni Enzo Pineda. Kaya lang ay iyak nang iyak ang crayola queen habang pinapahayag ang nangyari sa kanilang dalawa at sinasabing nakabubuti pa ito sa kanilang mga career.

“Higit na napagtuunan namin ang kanya-kanyang trabaho,’’ tunog na hindi nanghihinayang na sabi ni Louise. ‘‘Nagkaroon kami ng sapat na panahon para sa aming mga career.”

At least, may paghuhugutan na ang aktres para sa madudulang tagpo kapag naisip niya si Enzo Pineda. Ang young actor naman, tahimik lang at ayaw magsalita. Kahit nasaktan din siya, mabuting manahimik ang lalaki kapag nabuwag ang isang relasyon. Sarilinin na lang niya ang nararamdaman.

Produ sinisi ang mga rebulto at nagpalit ng relihiyon nang mawalan ng movie assignment

Biglang lumipat sa ibang relihiyon ang lady executive producer na nakagawa na ng maraming box-office hits. Sinunog at binasag pa niya ang mahal na imahen sa kanyang altar. Dating dinadasalan, pinagbintangan pa niyang malas ang mga rebulto kaya dumalang ang kanyang trabaho.

Sa paglipas ng mga araw ay lalong nawalan na siya ng movie assignment at unti-unting naubos ang kanyang naipon at ibang naipundar.

Kahit ano pa ang relihiyon, ang pinakamahalaga ay ang tapat na pananampalataya at paniniwala sa Diyos. Nasa ating mga puso Siya palagi at nasa sinseridad ng ating mga panalangin at mabuting pakikipag-kapwa tao ang laging susi ng maligayang buhay.

Ynna binalak nang layasan si Mark, nahilot lang

Nagpasiya na ng breakup si Ynna Assistio kay Mark Herras pero nanaig pa rin ang pagmamahal niya sa aktor kaya’t tuloy ang kanilang relasyon.

Pakiramdam kasi ni Ynna, binalewala na siya ni Mark nang mag-concentrate ang binata sa kanyang trabaho. Reklamo ng aktres, siputin-dili siya ng boyfriend. Subsob ang ulo sa trabaho ni Mark at tila hindi naalala na may isang Ynna na sabik na sabik na siyang makita.

Agad nalaman ni Mark ang kanyang pagkukulang at humi­ngi agad ng paumanhin sa dalaga. Sila pa ring dalawa at higit na tumindi ang kanilang feeling for each other.

Jackielou hindi alam ang tunay na edad ni Pilita

Kahit pala sa mga anak niyang sina Jackielou Blanco at Ramon Christopher Gutierrez, isang malaking misteryo ang tunay na edad ng singing legend na si Pilita Corrales.

Kahit ngayon na Pilita and Jackielou are portra­y­ing the same role of Sonya in Vampire ang Daddy Ko, imposibleng magkalakas-loob ang daughter na tanungin ng diretso ang mader.

Ang alam ni Jackielou, si Pilita ang laging No. 1 idol niya sa pagiging laging maganda at mukhang bata. Wala siyang lakas ng loob na hungkatin ang passport ng mama para malaman ang katotohanan.

No. 1 fan din si Jackielou at Pilita sa pagpapatawa. Say ng daughter, natural at perfect ang timing ni Tita Pilits pagdating sa pagpapatawa.

Direk Brillante at Sen. Loren magpa-partner din sa full-length film!

Well-acclaimed at naipalabas na sa buong bansa at mga school ang first collaboration nina Sen. Loren Legarda at Brillante Mendoza, ang docu tungkol sa climate change na Buhos.

Halos matatapos na pala ang kasunod nilang project ang Ligtas, isa pang pelikulang magdudulot ng sapat na kaalaman sa paboritong tema ng senadora kasama ang conservation ng ating mga likas na yaman.

Posible pang gumawa silang dalawa ni Brillante Mendoza ng isang full-length feature film late this year, o sa isang taon.

Show comments