Allen, Mitchell nagtulong sa panalo ng Cavs sa Lakers

Nakipag-agawan sa loose ball si Cleveland Cavaliers center Jarrett Allen kay Los Angeles Lakers forward Anthony Davis.
STAR/File

LOS ANGELES , Philippines — Umiskor si Jarrett Allen ng season-high 27 points habang may 26 markers si Donovan Mitchell sa 122-110 pagdomina ng Cleveland Cavaliers sa Lakers.

Nagdagdag si Evan Mobley ng 20 points at naglista si Darius Garland ng season-high 14 assists.

Diniskaril ng Cleveland (29-4) ang unang laro ni LeBron James para sa Los Angeles (18-14) matapos ipagdiwang ang kanyang ika-40 kaarawan noong Lunes.

Si James, umiskor ng 23 points para sa Lakers, ang unang player sa NBA history na naglaro sa kanyang kabataan at sa edad na 40-anyos tampok ang pagtulong sa Cavaliers na makopo ang unang NBA championship noong 2016.

Nagpasabog si Austin Reaves ng season-high 35 points bukod sa 10 assists at 9 rebounds para sa Los Angeles habang humakot si Anthony Davis ng 28 points at 13 rebounds.

Inilista ng Cavaliers ang 96-80 abante sa huling tatlong minuto sa fourth quarter bago nakalapit ang Lakers sa 107-112.

Sa Oklahoma City, bumanat si Shai Gilgeous-­Alexander ng 40 points para banderahan ang Thunder (27-5) sa 113-105 pagpapatumba sa Minnesota Timberwolves (17-15).

Sa San Antonio, nagkadena si Victor Wembanyama ng 27 points, 9 rebounds, 5 assists at 3 blocks sa 122-86 pagdispatsa ng Spurs (17-16) sa LA Clippers (19-14).

Sa Phoenix, tumipa si Jaren Jackson Jr. ng 38 points para pangunahan ang Memphis Grizzlies (23-11) sa 117-112 pagpapalamig sa Suns (15-17).

Show comments