L.A. Lakers diniskaril ang coaching debut ni Christie

Naglaban para sa rebound sina Anthony Davis ng Los Angeles Lakers at Trey Lyles ng Sacramento Kings sa first half ng kanilang upakan.
STAR/ File

LOS ANGELES — Nagkadena si Anthony Davis ng 36 points, 15 rebounds at 8 assists para banderahan ang Lakers sa132-122 pagpapatumba sa bisitang Sacramento Kings.

Hindi naglaro si LeBron James dahil may lagnat.

Kumolekta si Austin Reaves ng 26 points at career-high 16 assists pa­ra sa Los Angeles (18-13), habang may 21, 18 at 16 markers sina Rui Ha­chimura, Dalton Knecht at Max Christie, ayon sa pag­kakasunod.

Nadiskaril naman ang coaching debut ni interim coach Doug Christie para sa Sacramento (13-19) bilang kapalit ng sinibak na si Mike Brown.

Pinamunuan ni point guard De’Aaron Fox ang Kings sa kanyang 29 points at 12 assists at nagdagdag si DeMar DeRozan ng 25 points.

Isang 12-0 atake ang gi­nawa ng Lakers sa pagta­tapos ng third period patu­ngo sa pagtatala ng isang 20-point advantage.

Nakalapit ang Sacra­mento sa 117-123 sa huling apat na minuto ng fourth quarter kasunod ang ratsa­da nina Reaves at Christie para tiyakin ang panalo ng Los Angeles.

Sa Salt Lake City, bu­mi­­ra sina Joel Embiid at Tyrese Maxey ng tig-32 points para banderahan ang Philadelphia 76ers (12-17) sa 114-111 paglusot sa Utah Jazz (7-23).

Sa Washington, hinugot ni Jalen Brunson ang siyam sa kanyang season-high 55 points sa overtime at hu­makot si Karl-Anthony Towns ng 30 points at 14 re­bounds para sa 136-132 pagtakas ng New York Knicks (22-10) sa Wizards (5-24).

Sa Denver, umiskor si Nik­ola Jokic ng 37 points, habang may 34 markers si Jamal Murray sa 134-121 pagdaig ng Nuggets (17-13) sa Detroit Pistons (14-18).

Sa San Francisco, tumi­pa si Jonathan Kuminga ng 34 points at iginiya ang Golden State Warriors (16-15) sa 109-105 panalo sa Phoenix Suns (15-16).

Sa Chicago, nagkuwin­tas si Josh Giddey ng triple-double na 23 points, 15 re­bounds at 10 assists sa 116-111 pagsuwag ng Bulls (14-18) sa Milwaukee Bucks (16-14).

Sa Portland, naglista si Shaedon Sharpe ng 23 points, habang may 22 mar­kers si nfernee Simons para gabayan ang Trail Bla­zers (11-20) sa 126-122 pagsapaw sa Dallas Mavericks (20-12).

Show comments