^

PSN Palaro

Curry nagpaulan ng tres sa Thunder

Pilipino Star Ngayon
Curry nagpaulan ng tres sa Thunder
Iniwanan ni Warriors guard Stephen Curry si Thunder defender Isaiah Joe para sa kanyang layup.

OKLAHOMA CITY -— Bumira si Stephen Curry ng 36 points tampok ang pitong three-point shots para sa 127-116 panalo ng Golden State Warriors laban sa Thunder.

Nag-ambag si Jonathan Kuminga ng 20 points para sa Warriors  (8-2) habang naglista sina De’Anthony Melton at Andrew Wiggins ng 19 at 18 markers, ayon sa pagkakasunod.

Pinamunuan ni Shai Gilgeous-Alexander ang Oklahoma City (8-2) sa kanyang 24 points.

Nagposte ang Warriors ng 30-point lead sa dulo ng third quarter bago nakahabol ang Thunder para sa kanilang six-point deficit sa huling 4:46 minuto ng fourth period.

Muling nakabalik sa porma ang Golden State para makalayo sa OKC.

Sa Los Angeles, nag­lista si LeBron James ng 19 points, season-high 16 assists at 10 rebounds sa kanyang ikatlong triple-double sa season para sa 123-103 panalo ng Lakers (6-4) sa Toronto Raptors (2-9).

Sa Minneapolis, ipinasok ni Nikola Jovic ang panablang layup at nagpanalong foul shot sa huling 7.8 segundo sa 95-94 paglusot ng Miami Heat (4-5) sa Minnesota Timberwolves (6-4).

Sa Denver, isinalpak ni Michael Porter Jr. ang isang mid-range jumper sa huling pitong segundo sa 122-120 pagtakas ng Nuggets (7-3) sa Dallas Mavericks, (5-5).

Sa Philadelphia, kumamada si Jared McCain ng career-high 27 points para sa 107-105 overtime win ng 76ers (2-7) laban sa Charlotte Hornets (4-6).

SPORTS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with