World Dragon Boat hahataw na sa Palawan

MANILA, Philippines — Aarangkada na nga­yong araw ang ICF Dragon Boat World Championships tampok ang matitikas na paddlers mula sa iba’t ibang panig ng mundo na sasabak sa Puerto Princesa Baywalk sa Palawan.

Pinakamalaki ang de­legasyon ng host Philippines na may 200 entries sa naturang torneo habang ikalawa naman ang India na nagpadala ng 140 entries.

Masaya si Philippine Canoe Kayak Dragon Boat Federation president Leo­nora “Lenlen” Escollante sa kumpirmasyon ng mga foreign teams.

May mahigit 2,000 paddlers mula sa 27 bansa ang lalahok sa edisyong ito ng World Championships.

“India alone is fielding a 140-strong contingent of paddlers while the Philippines has 200 entries,” ani Escollante.

Dadalo sa opening rites si President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kasama ang ilang mga opisyales para saksihan ang salpukan ng mahuhusay na paddlers sa mundo.

“It is truly an honor that the Chief Executive is coming over. I was shocked when the Office of the President confirmed it last Monday. Now event Puerto Princesa City government officials informed me confirming that he, indeed, is coming over,” ani Escollante.

Matatandaang idinek­lara ni Marcos na ang cen­tennial anniversary ng International Canoe Fe­deration ay magiging “Mo­ving Forward Paddling Week Philippines” na nasa Proclamation No. 699.

Show comments