^

PSN Palaro

Blazers dumikit sa Final Four spot

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kinamada ng College of St. Benilde ang pang-limang sunod na panalo matapos talunin ang Emilio Aguinaldo College, 69-65, sa second round ng NCAA Season 100 men’s basketball kahapon sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan City.

Bagama’t nagmula sa isang one-week break ay hindi kinalawang ang Bla­zers para iposte ang 11-2 record at angkinin ang playoff spot sa Final Four.

Nadiskaril naman ang target na ikalawang dikit na ratsada ng Generals at nalaglag sa 6-7 para sa fifth place kasosyo ang Lyceum Pirates.

Humakot si center Allen Liwag ng 15 points, 9 rebounds at 2 assists para pamunuan ang St. Benilde na nakahugot kay Tony Ynot ng 14 markers.

Pinamunuan ni Harvey Pagsanjan ang EAC sa kanyang 16 points.

Nagtabla sa halftime ang dalawang koponan bago kinuha ng Blazers ang 68-65 abante sa huling 13.6 segundo mula sa free throw ni Ynot.

Ang krusyal na turnover ni Quinal ang tuluyan nang nagpaguho sa pag-asa ng Generals na makatabla.

Sa ikalawang laro, tinapos ng San Sebastian College-Recoletos ang two-game winning run ng Arellano University mula sa 88-75 panalo.

Itinaas ng Stags ang kanilang marka sa 4-10 at inilaglag ang Chiefs sa 5-9.

vuukle comment

NCAA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with