^

PSN Palaro

JMF Angat sa BPC race, RHJ sa best import

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
JMF Angat sa BPC race, RHJ sa best import
Lumipad si TNT Tropang Giga import Rondae Hollis-Jefferson para sa kanyang layup laban sa Ginebra sa Game 1.
PBA Image

MANILA, Philippines —  Nangunguna si eight-time PBA Most Valuable Player June Mar Fajardo sa karera para sa Best Player of the Conference sa PBA Season 49 Governors’ Cup.

Matapos ang semifinals, angat pa rin si Fajardo na may kabuuang 44.8 statistical points na nakolek­ta nito para tulungan ang Beermen na makapasok sa semis.

Nagrehistro si Fajardo ng averages na 21.0 points, 16.3 rebounds, 3.1 assists at 1.0 blocks sa 21 laro.

Kaya naman mas la­long lumakas ang tsansa nitong makuha ang kanyang ika-11 BPC award na siyang rekord sa liga.

Natalo ang Beermen sa best-of-seven semifinal series kontra sa Barangay Ginebra Gin Kings ngunit posibleng hindi nito maapektuhan ang puwesto ni Fajardo sa BPC race.

Nasa ikalawang puwesto naman si Arvin Tolentino ng NorthPort na may malayong 37.5 SPs mula sa averages nitong 23.7 points, 8.3 rebounds at 4.3 assists.

Ikatlo naman si Robert Bolick ng NLEX tangan ang 35.9 SPs kung saan nangunguna ito sa assists (8.2 kada laro) at may ave­rages itong 19.1 points at 6.2 rebounds.

Bumabandera naman sa Best Import race si Rondae Hollis-Jefferson ng Talk ’N Text na siyang tumulong sa Tropang Giga para makapasok sa finals.

Hawak ni Hollis-Jefferson ang 57.4 SPs galing sa 28.0 points, 12.9 rebounds, 6.4 assists, 2.9 steals at 1.9 blocks.

Target ni Hollis-Jefferson na makuha ang kanyang ikalawang Best Import award matapos masungkit ang parehong parangal noong 2023 Go­vernors’ Cup.

Nakadikit sa ikalawa si Barangay Ginebra import Justin Brownlee na nagmamay-ari ng tatlong Best Import awards.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with