Title defense sisimulan ng Celtics vs Knicks

Maigting ang naging ensayo ng Celtics para sa kanilang title defense na sisimulan ngayon laban sa Knicks.

BOSTON — Sisimulan ng Celtics ang pagdedepensa sa kanilang suot na korona sa pagsagupa sa nagpalakas na New York Knicks sa opisyal na pagbubukas ng 79th NBA season ngayon.

Sa pagbibida nina Jayson Tatum at Jaylen Brown ay tinapos ng Boston ang regular season na may best record sa Eastern Conference bago sibakin si Luka Doncic at ang Dallas Mavericks, 4-1, sa NBA Finals noong Hunyo.

Puntirya ngayon ng Celtics ang unang back-to-back crowns matapos itong magawa noong 1968 at 1969.

“You have an opportunity to carry the organization forward, to double down on the tradition and history of what this organization has,”  ani Boston coach Joe Mazzulla sa hangad nilang ika-19 titulo.

Itataas ng Celtics ang kanilang NBA record na pang-18 championship banner bago labanan ang Knicks na hinugot sina center Karl-Anthony Towns at Mikal Bridges sa offseason.

Sa Los Angeles, ita­tampok naman ng Lakers ang mag-amang L­eBron at Bronny James sa pagharap nila sa Minnesota Timberwolves.

“Definitely a moment I’ll never forget. It was like being in ‘The Matrix’ or something. It just didn’t feel real,” sabi ni LeBron, ipagdiriwang ang kanyang ika-40 kaarawan sa Dis­yembre, sa pagtatambal nila ng 20-anyos na si Bronny sa unang father-son combination.

Show comments