FEU kinalabaw ang NU

MANILA, Philippines — Sinuwag ng Far Eas­tern University ang panga­lawang sunod na panalo ma­tapos talunin ang Natio­nal University, 65-58, sa UAAP Season 87 men’s basketball kahapon sa MOA Asia Arena sa Pasay City.

Masaya si FEU coach Sean Chambers sa unang winning streak niya.

Nagdagdagan pa ang lakas ng loob ng mga ba­taan ng dating PBA import ang pagbabalik laro ni Cholo Añonuevo na halos hindi nakalaro sa first round dahil sa injury.

“I don’t want to sound like a broken record, but as I said a couple of weeks back, this second round will be a lot different for us. We’re getting comfor­table and acclimated. We’re un­derstanding our goals and our game plans,” sabi ni Chambers.

Kinapitan ng Tamaraws ang tikas nina Royce Alfor­que at Jorick Bautista sa clutch upang masikwat ang panalo at ilista ang 3-6 karta para sa solo sixth place.

Kumana si Bautista ng 17 points at siyam na marka ang ambag ni Alforque.

Humakot si foreign player Mo Konateh ng 22 mar­kers at 13 boards.

Umiskor si Ian Manansala ng 11 points para sa Bulldogs.

Show comments