^

PSN Palaro

Altas pinigil ang pagbulusok

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Makakatulog na nga­yon nang mahimbing si coach Olsen Racela.

Tinapos ng University of Perpetual Help System DALTA ang apat na sunod na kamalasan matapos gibain ang Colegio de San Juan de Letran, 71-61, sa second round ng NCAA Season 100 men’s basketball kahapon sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan City.

Itinaas ng Altas ang kanilang baraha sa 5-6 at inihulog ang Knights sa 6-5 marka kasama ang two-game losing skid.

Pinamunuan ni Christian Pagaran ang Perpetual sa kanyang 19 points, 5 rebounds at 2 assists, habang may 15 markers si rookie Mark Gojo Cruz.

“Sabi kasi ni coach Olsen na sa Letran kasi nagsimula ‘yung mga talo namin kaya kailangan mag-bounce back kami,” ani Pagaran.

Binanderahan ni Jimboy Estrada ang Letran sa kanyang 14 points at 10 assists.

Kaagad na lumayo ang Altas sa 22-13 mula sa three-point shot ni Pagaran sa dulo ng first period patungo sa pagtatayo ng 38-24 abante sa second quarter.

Tuluyan nang nakabi­taw sa laro ang Knights nang maiwanan sa 48-61 sa 7:42 minuto ng final canto.

Sa ikalawang laro, pina­tumba ng College of St. Benilde ang San Sebastian College-Recoletos, 91-85.

Pinatibay ng Blazers ang kanilang kapit sa lide­rato bitbit ang 8-2 record.

vuukle comment

NCAA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with