All-Stars babalik sa 2024 NBA season

Kabilang dito sina Kristaps Porzingis ng NBA champions Boston Celtics, Kawhi Leonard ng Los Angeles Clippers at Jimmy Butler ng Miami Heat.
STAR/File

NEW YORK — Ilang All-Stars at key players ang ina­­asahang magbabalik sa aksyon para sa 2023-24 NBA season na magbubukas sa Oktubre 22.

Kabilang dito sina Kristaps Porzingis ng NBA champions Boston Celtics, Kawhi Leonard ng Los Angeles Clippers at Jimmy Butler ng Miami Heat.

Posibleng ilang buwan pa ang bibilangin bago mu­ling makapaglaro ang 7-foot-2 na si Porzingis na nag­rerekober sa kanyang torn retinaculum at dislocated posterior tibialis tendon sa kaliwang binti.

Sinabi naman ni Leonard na maganda na ang pa­kiramdam ng kanyang surgically repaired right knee.

Sumasali na si Butler sa workout ng Heat matapos magkaroon ng sprained right MCL sa play-in tournament loss sa Philadelphia 76ers.

Show comments