Bossing nilasing ang Beermen

MANILA, Philippines — Binuhay ng Blackwater ang tsansa sa quarterfinals matapos lasingin ang San Miguel, 111-94, sa PBA Sea­son 49 Governors’ Cup kahapon sa Ninoy Aqui­no Stadium sa Malate, Manila.

Winakasan ng Bossing ang dalawang sunod na ka­malasan para itaas ang ba­raha sa 4-5 katabla ang NLEX Road Warriors na ka­agaw nila sa No. 4 spot sa Group B.

Nagkuwintas si import George King ng 49 points at 11 rebounds.

Ito ang ikalawang dikit na kabiguan ng Beermen para sa 6-4 kartada papasok sa crossover quarterfinals kung saan ang top four teams sa Group A at B ang maghaharap-harap.

Sinamantala ng Blackwater ang hindi paglalaro ni SMB import Jordan Adams na nagkaroon ng strained right hamstring sa kanilang 112-122 kabiguan sa Rain or Shine noong Huwebes.

Kinuha ng Bossing ang 41-28 kalamangan sa 8:34 ng second period mula sa basket ni Troy Rosario ba­go nakakapit ang Beermen sa halftime, 43-52.

Sa third quarter ay mu­ling nakalayo ang Black­wa­ter sa likod ni King para sa 13-point lead, 85-72, sa San Miguel papunta sa final canto.

Bumanat ang Bos­sing ng isang 22-10 ata­ke sa fourth period para tuluyan nang iwanan ang Beermen sa 107-82.

Pinamunuan ni eight-time PBA MVP June Mar Fa­jardo ang San Miguel sa kanyang 23 points kasunod ang 21 markers ni CJ Perez.

Show comments