Cone gagawaran ng President’s Award

MANILA, Philippines — Kikilalanin ang husay at galing ni veteran coach Tim Cone sa PBA Press Corps 30th Awards Night na idaraos sa Setyembre 24 sa Novotel Manila Araneta City.

Ibibigay kay Cone ang President’s Award matapos tulungan ang Gilas Pilipinas men’s basketball team na makamit ang tagumpay sa iba’t ibang torneo.

Galing ang Gilas Pilipinas sa kampeonato sa 19th Asian Games sa Hangzhou, China na nagsilbing simula ng magandang ratsada ng tropa sa 2024.

DInala ng mga Pinoy cagers ang momentum sa FI­BA Asia Cup qualifiers matapos ilampaso ang Hong Kong, 94-64, at Chinese Taipei, 106-53.

Mas lalo pang gumawa ng ingay ang GIlas Pilipinas nang gulantangin ang World No. 6 Latvia, 89-80, sa FIBA Olympic Qualifying Tournament sa Riga, Latvia.

Ang panalo ang nagdala sa Gilas sa semis, subalit yumukod sa Brazil, 71-60, upang tuluyang maglaho ang pag-asa nitong makapasok sa Paris Olypics.

Gayunpaman, sapat na ang nagawa ni Cone para makuha ang pagkilala ng PBAPC.

Show comments