MANILA, Phillipines — Umahon mula sa pitong puntos na pagkakalubog ang University of Sto. Tomas para itakas ang 67-64 panalo sa National University sa UAAP Season 87 men’s basketball tournament kahapon sa Smart Araneta Coliseum.
Nagsanib-puwersa sa opensa sina Forthsky Padrigao, Nic Cabañero at Mo Tounkara sa dulo ng laro upang habulin ng Growling Tigers ang seven-point deficit, 53-60, sa Bulldogs sa fourth quarter at makatabla sa 64-64.
At saka naman bumida si Padriago nang isalpak ang two-point shot para sa UST sa natitirang 29 segundo sa orasan.
Sumablay si Jake Figueroa sa panig ng NU at muling umiskor ng free throw si Padrigao para makuha ang panalo.
“This is a total team effort, lahat nagtulungan. Si Forthsky made that last two possession shots, breaks of the game ‘yun,” sabi ni head coach Pido Jarencio.
Si Manaytay ang nanguna para sa UST sa kanyang 14 points, habang tumikada si Tounkara ng double-double na 15 markers at 10 rebounds.
Tumapos si Padrigao na may walong puntos.