Kung dehins naawat, ewan ko kung ano ang kinalabasan ng girian ni NorthPort governor Erick Arejola at Converge assistant coach Danny “Lakay” Ildefonso.
Tapos na ang game last Wednesday. Nanalo ang Converge, 107-99, at natural, may kamayan ng players at team officials sa centercourt.
Hindi masyado malinaw sa video pero mukhang nagkaroon ng contact sa pagitan ng dalawa. Kumbaga sa mga bata, naghawakan ng tenga.
May bad blood kasi between them. Ang issue? Ang dehins pagpirma ng anak ni Lakay na si Dave sa NorthPort matapos ito piliin ng team as No. 5 sa last rookie draft.
Hindi sila nagkasundo kahit na ang balita eh maximum rookie salary na ang inilatag ng NorthPort para kay Dave.
Ang masama nito, nagsalita si Lakay at tinawag ang NorthPort na “farm team” meaning available ang mga players nito sa mga teams na kakampi nila via trade.
Masakit ang sinabi ni Lakay na “Gusto namin sa team na gustong manalo at mag champion.”
Dahil dito, na-fine ang dating MVP ng P20,000 ng PBA.
Natural, masakit ang loob ng NorthPort dahil kung alam lang nila na ayaw pala ni Ildefonso sa kanila, iba na lang sana ang pinili nila. Nasayang ang first-round pick nila.
Mahirap ‘yan pag ginaya ng iba na kung ayaw mo ang team na nag-draft sayo, ‘wag ka pumirma.
Bad ‘yun.
Ano kaya ang pwede gawin ng PBA dito?