^

PSN Palaro

Cebu-USJR, Pangasinan magtutuos sa Born 2006 division finale ng PSL National Finals

Philstar.com
Cebu-USJR, Pangasinan magtutuos sa Born 2006 division finale ng PSL National Finals
Si Jeremy Godoy ang bayani ng Pangasinan.
Pilipinas Super League

MANILA, Philippines – Pag-aagawan ng Cebu-USJR at Pangasinan ang korona ng Born 2006 division ng PSL National Finals ngayon sa Filoil-EcoOil Centre sa San Juan City.

Ito ay matapos talunin ng Cebu-USJR ang Misamis Oriental, 71-66, at lusutan ng Pangasinan ang Manila-UST, 76-74, sa kani-kanilang semifinals duel patungo sa titular showdown nila.

Bumanat si Jan Vince Oringo ng 19 points para sa Cebu-USJR, habang may 14 markers si Clark Candia.

Isinalpak naman ni dating Batang Gilas player Jeremy Godoy ang isang krusyal na floater para sa 75-74 abante ng Pangasinan sa huling limang segundo ng laro.

Kapos ang tangkang 3-point shot ni Charles Esteban sa huling posesyon ng Manila-UST.

Ang free throw ni Jairus Armendez sa natitirang dalawang segundo ang sumelyo sa panalo ng Pangasinan.

Bukod sa kampeonato, hangad din ng Cebu at Pangasinan na maging kinatawan ng Pilipinas sa parating na Global Championship Challenge sa Hulyo 15 sa Smart Araneta Coliseum.

vuukle comment

PILIPINAS SUPER LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
11 hours ago
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with