^

PSN Palaro

Manila-UST, Pangasinan wagi sa PSL

Philstar.com
Manila-UST, Pangasinan wagi sa PSL
Dinomina ni Gab Castro ng Manila-UST ang player ng Ormoc.
PSL photo

MANILA, Philippines – Pinatumba ng Manila-UST ang Ormoc-OCCCI, 65-55, sa PSL National Finals sa Victoria Sports Club sa Quezon City.

Ginamit ng Manila 2008 team ang kanilang bentahe sa laki, lakas ng tao at eksperyensya para talunin ang mga mas batang manlalaro ng Ormoc.

Anim sa mga manlalaro ng Ormoc ay nasa edad 14-anyos pa lamang pero dahil sa kagustuhang makakakuha ng eksperiyensya, isinalang nila ang mga batang Ormoc sa laban matapos tumapos na runner-up sa nakaraang Visayas Regional Finals.

Nagposte ng double-double sina Gab Castro, Tayshaun Guerrero at Zachary Valenzona para pamunuan ang Manila-UST team.

Nagtala si Castro ng 11 points at 19 na rebounds, habang naglista si Guerrero ng 13 markers at 12 boards at may 11 points at 10 rebounds si Valenzona para sa Manila-UST na dimonina ang rebounding, 65-40.

Bagsak sa ikalawang sunod na kamalasan ang Ormoc.

Sinandigan naman ng Pangasinan sina Jann Domingo at Jheremy Godoy para sa dominanteng 69-43 paggiba sa Misamis Oriental.

Sina Domingo at Godoy ay nagposte ng pinagsamang 50 points para sa Pangasinan na kampeon ng Born 2006 ng Luzon Regional Finals.

vuukle comment

PILIPINAS SUPER LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with