^

PSN Palaro

Metz training camp malaking tulong sa Olympic-bound athletes

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Metz training camp malaking tulong sa Olympic-bound athletes
Kasama nina Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino (ika-2 mula sa kanan) at secretary-general Atty. Wharton Chan (kaliwa) sina (mula kaliwa) weightlifters Vanessa Sarno at Elreen Ando, boxers Aira Villegas, Hergie Bacyadan, Carlo Paalam at Nesthy Petecio, rower Joanie Delgaco at weightlifter John Febuar Ceniza bago sila sumakay ng eroplano kahapon ng umaga sa NAIA Terminal 3 patungong France kung saan ang mga Paris Olympics-qualified Filipino athletes ay magsasanay ng halos isang buwan sa La Moselle at Les Arenes sa Metz.Nakatakda ang Olymics sa July 26 hanggang August 11.

MANILA, Philippines — Malaki ang maitutulong sa mga national athletes ng gagawing one-month training sa Metz, Paris para sa tsansang makuha ang ikalawang gold medal ng Pilipinas sa Olympic Games.

Bumiyahe kahapon ng umaga patungong Metz sina Tokyo Olympics silver medalists boxers Nesthy Petecio at Carlo Paalam, Hergie Bacyadan, Aira Villegas ng boxing, weightlifters Elreen Ando, John Ceniza at Vanessa Sarno at rower Joanie Delgaco.

“Palagay ko napakataas iyong morale ng mga atleta at mga opisyal,” wika ni Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino.

Kumpiyansa si Tolentino na may mga Pinoy athletes pang makakakuha ng silya sa Paris Olympics na nakatakda sa Hulyo 26 hanggang Agosto 11.

Susunod sa walong atleta sa Metz training camp sina Tokyo Olympics bronze medal winner Eumir Felix Marcial ng boxing, pole vaulter EJ Obiena, gymnasts Carlos Yulo, Aleah Finnegan, Levi Ruivivar at Emma Malabuyo at fencer Sam Catantan.

“Sobrang malaking tulong ito most especially makaka-sparring namin iyong mga nag-qualify na athlete po sa timbang namin,” ani Petecio.

Bukod kina Petecio at Paalam, ang iba pang mu­ling sasalang sa Olympics ay sina Obiena, Yulo at Ando.

Hangad ng 15 atleta na matumbasan ang binuhat ni weightlifter Hidilyn Diaz na kauna-unahang Olympic gold medal ng bansa sa Tokyo Games.

“Iyong mindset ko lang po sa Paris Olympics is ginagawa ko po iyong best ko para mag-podium (fi­nish),” sabi ng 20-anyos na si Sarno na may iniinda pang injury.

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with