^

PSN Palaro

Dagdag na pondo sa PSC para sa Paris Olympics utos ni Pangulong Marcos

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Karagdagang pondo para sa pagsabak ng mga Pinoy athletes sa darating na 2024 Olympic Games sa Paris, France.

Ito ang direktiba ni Pre­sident Ferdinand Marcos Jr. sa Office of the Exe­cutive Secretary para sa dagdag na budget ng Phi­lippine Sports Commission (PSC) na gagamitin sa paghahanda at partisipasyon sa Paris Olympics.

“So, on top of all these efforts, I direct the Office of the Executive Secretary to release to the Philippine Sports Commission (additional) funds to help support the preparation and participation of our athletes in these upcoming Olympics,” sabi ng President sa isang send off ceremony sa Ayuntamiento de Manila sa Intramuros kamakalawa ng gabi.

Ang nasabing karagdagang pondo ay bukod pa sa naunang P52 milyong inilaan ng PSC para sa paghahanda at training ng mga atleta.

Ngayong taon lamang ay nasa P1.156 bilyon ang ibinigay na pondo ng gobyerno sa PSC.

Idinagdag ng Pangulo na patuloy ang gagawing rehabilitasyon ng pamahalaan sa mga major sports facilities katulad ng Rizal Memorial Sports Complex sa Vito Cruz, Manila at Philsports Complex sa Pasig City kung saan nag-eensayo ang mga national athletes.

Sa ngayon ay tinatapos na aniya ang National Academy of Sports System sa Tarlac at ang Philippine Sports Training Center sa Bataan.

Hinikayat ng Presidente ang sambayanan na suportahan ang mga Olympic-bound athletes.

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with