^

PSN Palaro

Martires

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Kilala siya bilang Yoyong. Sa iba naman, Dodong.

Pero sa larangan ng PBA or Philippine basketball, one and only si Martires.

Kung bata-bata ka pa, malamang dehins mo siya kilala. Pero sa mga tanders na gaya ko, idol si Martires.

Naging member ng Philippine team at isa sa mga pinalad na nakalaro sa 1972 Munich Olympics.

Point guard si Martires. Small but terrible. Ubod ng bilis.

Naalala ko, nagkaroon ng pelikula noong 1970s tungkol sa pagbuo ng Philippine basketball team.

May eksena doon na kinarera ni Martires ang isang kalabaw sa bukid. Ewan ko kung totoo.

Sumikat siya bilang comedian at original dabarkads nila Tito, Vic and Joey. Lumabas sa maraming pelikula at TV shows.

Sikat ang linya niya na kunwari eh galit tapos sasabihin niya na, “Nagpapaliwanag lang.”

Anyway, malungkot na balita dahil pumanaw na si Martires nung isang araw sa edad na 77.

May mga kilala ako na nakasama pa siya sa isang birthday party this year. As usual, masaya si Martires.

Naging topic daw ang road rage or away sa kalye ng mga drivers. Ayaw na ayaw daw ito ni Martires.

Kaya sa susunod na may kumat or gumitgit sayo, please lang, padaanin mo na muna.

Alang-alang kay Martires.

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with