3 spikers gustong maging Filipino citizen

Gu­mu­gulong na ang pag­sa­saayos ng pagpapa­lit ng volleyball federations nina Van Sickle, Phillips at Davison para maisama sa lineup ng national team.
STAR/ File

MANILA, Philippines —  Handa sina Fil-Ams Brooke Van Sickle at MJ Phillips ng Petro Gazz at Fil-Canadian Savi Davison ng PLDT na maging bahagi ng women’s national team.

Gu­mu­gulong na ang pag­sa­saayos ng pagpapa­lit ng volleyball federations nina Van Sickle, Phillips at Davison para maisama sa lineup ng national team.

Nakikipag-ugnayan na ang pamunuan ng Philippine National Volleyball Fe­deration (PNVF) sa In­ter­­national Volleyball Fe­de­ration (FIVB) para ma­pabilis ang proseso.

Bago maging miyem­bro ng national team ay kailangan nina Van Sickle, Phillips at Davison na ipa­alam sa kani-kanilang orihi­nal na volleyball federations ang planong magpalit ng federation.

Ipaaalam ng PNVF sa FIVB ang plano ng tatlo.

Show comments