60k runners sa pilot leg sa 2024 National Milo Marathon

Thousands joined the 2019 National Milo Marathon finals in Tarlac City.

MANILA, Philippines — Sa pagdiriwang ng kanilang 60th anniversary sa Pilipinas ay idaraos ng leading beverage brand MILO ang pagpapakawala sa pilot legs ng National Marathon sa Laoag, Batangas at Mandaue sa Abril 7.

Higit sa 60,000 kids, families at athletes kasama ang mga spectators at v­irtual runners ang inaasa­hang makikiisa sa nasabing running event.

“This start of the season marks a significant m­ilestone for us at MILO  as we celebrate our 60th year in the Philippines,” ani MILO Sports head Carlo Sampan. “We are very excited to welcome Filipinos to the National MILO   Marathon and witness their show of grit, determination, and discipline that will surely be the foundation to accelerate their journeys to success.”

Isa si dating Marathon Queen at Olympian Mary Joy Tabal sa mga natutuwa sa pagdadala ng MILO event sa kanyang probinsya sa Mandaue.

“As the organizer of the Mandaue race, I aim to pay it forward, ensuring a me­morable and enjo­yable event where everyone can excel and pursue their goals in sports or in life,” pahayag ni Tabal.

Tatakbo sa Mandaue leg ang mga elementary at secondary students sa pakikipagtulungan sa Department of Education (DepEd) at local government units.

Show comments