^

PSN Palaro

Heat pinalamig ng Bulls

Pilipino Star Ngayon
Heat pinalamig ng Bulls
Nikola Vucevic.
STAR/ File

CHICAGO — Humataw si DeMar DeRozan ng 23 points para tulungan ang Bulls sa 102-97 panalo at pigilan ang seven-game winning streak ng Miami Heat.

Nag-ambag si Nikola Vucevic ng 15 points para sa Chicago (5-9) at may 14, 13 at 11 markers sina Coby White, Zach LaVine at Alex Caruso, ayon sa pagkakasunod.

Binanderahan ni Jimmy Butler ang Miami (8-5) sa kanyang 25 points habang humakot si Bam Adebayo ng 24 points at 10 rebounds at tumipa si Duncan Robinson ng 17 points.

Bumangon ang Bulls mula sa double digit deficit sa first half para tapusin ang kanilang three-game losing slump tampok ang dalawang free throws ni DeRozan sa huling limang segundo ng fourth period.

Sa Milwaukee, nagposte si Giannis Anteto­kounmpo ng 40 points at may 27 markers si Damian Lillard sa 132-125 panalo ng Bucks (9-4) sa Dallas Mavericks (9-4).

Sa San Francisco, humataw si Shai Gilgeous-Alexander ng 40 points, 6 rebounds at 6 assists sa 130-123 overtime win ng Oklahoma City Thunder (9-4) sa Golden State Warriors (6-8).

Sa New Orleans, ipinasok ni Karl-Anthony Towns ang isang floater sa huling limang segundo sa 121-120 pagtakas ng Minnesota Timberwolves (9-3) sa Pelicans (6-7).

DEMAR DEROZAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with