^

PSN Palaro

NCAA Player of the Week: Bravo bumida para sa Lyceum

Philstar.com
NCAA Player of the Week: Bravo bumida para sa Lyceum
At sa pagkakataong ito, si JM Bravo naman ang bumida para sa mga Pirata.
NCAA/GMA

MANILA, Philippines – Patuloy ang paglayag ng Lyceum of the Philippines University Pirates sa NCAA Season 99 men’s basketball tournament sa likod ng balanseng atake tampok ang iba’t ibang bayani kada laban.

Mula kay team captain Enoch Valdez hanggang kay big man Shawn Umali, pambihirang versatility at unpredictability ang ipinapamalas ng mga bataan ni head coach Gilbert Malabanan.

At sa pagkakataong ito, si JM Bravo naman ang bumida para sa mga Pirata.

Nagtala ang 6-foot-2 ace ng 14.5 points at 6.5 rebounds sa dalawa nilang laro upang tulungan ang LPU na makuha ang kanilang ika-apat na sunod na panalo at hirangin bilang Collegiate Press Corps NCAA Player of the Week para sa petsa Nobyembre 3-5.

Dinaig ni Bravo si Jun Roque ng Perpetual, Will Gozum ng Benilde, at Clifford Jopia ng San Beda para sa lingguhang parangal tampok ang San Miguel Corporation bilang major sponsor at suportado ng Discovery Suites at Jockey bilang minor sponsors.

Umiskor si Bravo ng 12 points at siyam na rebounds sa kanilang dikit na 86-82 na panalo kontra sa Mapua University noong Biyernes bago magtala ng 17 puntos at apat na rebounds sa 85-79 tagumpay nila kontra sa reigning champion na Letran Knights.

Nagpakawala si Bravo ng tatlong krusyal na three-pointers kontra sa Knights tungo sa malaking panalo na nagtulak sa kanila sa 10-3 kartada upang makatabla sa tuktok ang Cardinals.

Para kay Bravo, humuhugot siya ng lakas mula sa kaniyang coaches dahil sa patuloy na tiwalang ibinibigay nila sa kanya. 

"Para sa akin, sobra ang pasasalamat ko kay coach Gilbert sa tiwala. 'Yung tiwala niya, hindi ko sasayangin, 'yan ang lagi kong sinasabi sa kanya," ani Bravo, ang pangalawang leading scorer ng Lyceum na may 11.85 points sa 13 na laro kasunod ni Valdez.

"Binibigyan nila ako ng motivation na gawin ko lang ang ginagawa ko sa loob ng court."

Inaasahan naman ni Malabanan na ipagpapatuloy ng koponan ang kanilang impresibong kampanya para sa Final Four slot at ang isa sa dalawang twice-to-beat incentives.

"Mas maganda nga 'yung ganun na hindi alam ng kalaban kung sino ang babantayan. So magko-concentrate sila sa team defense," dagdag pa ni Malabanan.

"That's the good thing about us. Kahit sinong ipasok mo, ready naman dyan. Medyo flat lang sa simula pero kapag uminit naman, okay naman sila."

LYCEUM

NCAA

PIRATES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with