MANILA, Philippines — Magiging ligtas sa heat stroke ang mga tennis players na hahataw sa kauna-unahang 2023 Metro Manila Open sa buwan ng Mayo sa Philippine Columbian Association (PCA).
Ito ang tiniyak ni PCA Chairman Atty. Tranquil Salvador at bukod sa ko-operasyon sa mga LGU ay gagawa sila ng hakbang para masigurong magiging ligtas ang mga manlalaro kasama na rito ang tamang scheduling sa indoor at outdoor courts.
Lalahukan ng lahat ng mga tennis club organizations, mga profesional at amateur tennis players ang pinakamalaking tennis tournament na may kabuuang premyong P1.8 milyon.
Sinabi ni Raul Diaz, ang bise presidente ng PCA, bukod sa pagdaraos ng mga prestihiyosong mga tennis tournaments ay sisikapin din nilang maibalik ang dating sigla ng PCA sa pamamagitan ng pagho-host ng mga natatanging forum at palitan ng ideya at opinyon mula sa larangan ng pulitika at mayamang kasaysayan ng bansa kung saan unang nakilala ang PCA.