Pinay riders olats sa Stage 5
MANILA, Philippines — Bigo ang Team Philippines na makakuha ng magandang puwesto sa Stage 5 criterium na pinagreynahan ng isang Thailand rider sa 13th Biwase Cup kahapon sa Vietnam.
Nagposte si Thai Maneephan Jutatip ng tiyempong isang oras, 13 minuto at apat na segundo para unahan si Vietnamese Bui Thi Quynh sa 10-lap 50-km criterium na idinaos sa Xuân H??ng Lake sa Ðà L?t City.
Pumangatlo si Japanese rider Miho Yoshikawa para sa parehong oras.
Tumapos sina Pinay cyclist Kate Yasmin Velasco at Avegail Rombaon sa ika- 11 habang nasa pang-28, 31, 41 at 57 posisyon sina Mathilda Krog, first-time internationalist Mhay Ann Linda at sina Mixed Team riders Maura de los Reyes at Jelsie Sabado, ayon sa pagkakasunod.
Naiwanan si Marianne Dacumos sa ika-70 para sa Team Philippines na ipinadala ng PhilCycling at suportado ng Philippine Olympic Committee, Philippine Sports Commission, Tagaytay City, MVP Sports Foundation, Standard Insurance, Excellent Noodles at 7-Eleven.
- Latest