Cavs umeskapo sa Celtics sa overtime
CLEVELAND -- Nagpaputok si star guard Donovan Mitchell ng 40 points para pangunahan ang Cavaliers sa 118-114 overtime win kontra sa Boston Celtics.
Nagdagdag si Evan Mobley ng 25 points at 16 rebounds para sa 7-0 record ng Cleveland (41-26) sa mga overtime games, samantalang ito ang ikalawang sunod na overtime loss ng Boston (45-21).
Bumangon ang Cavaliers mula sa 14-point deficit pagpasok ng fourth quarter para agawin sa Celtics ang 114-112 abante sa huling 2:14 minuto ng extension mula sa triple ni Lamar Stevens.
Naglista si Jaylen Brown ng 32 points para sa Boston na nanggaling sa double overtime loss sa New York Knicks noong Linggo.
Sa Denver, kumamada si Jamal Murray ng 24 points at may 20 markers si Michael Porter Jr. sa 118-113 paggupo ng Nuggets (45-19) sa Toronto Raptors (32-34).
Sa Indianapolis, humakot si Joel Embiid ng 42 points habang naglista si James Harden ng 20 assists, 14 points at 9 rebounds sa 147-143 panalo ng Philadelphia 76ers (42-22) sa Indiana Pacers (29-37).
Sa Miami, kumayod si Jimmy Butler ng 26 points para sa 130-128 pagtakas ng Heat (35-31) sa Atlanta Hawks (32-33).
Sa Detroit, tumipa si Damian Lillard ng 31 points, 13 rebounds at 12 assists para sa kanyang ikalawang triple-double sa season sa 110-104 pagdaig ng Portland Trail Blazers (31-34) sa Pistons (15-50).
- Latest