^

PSN Palaro

Celtics pinalubog ng Phoenix Suns

Pilipino Star Ngayon

BOSTON - Humataw si Mikal Bridges ng 25 points at naglista si Dario Sa­ric ng 14 markers at 13 re­bounds para ihatid ang Phoenix Suns sa 106-94 pag­silaw sa NBA-leading na Celtics.

Inihulog ng Phoenix (28-26) ang Boston (37-16) sa kanilang ikaapat na ka­biguan sa huling anim na laro.

Nagdagdag si Chris Paul ng 15 points, 8 assists at 6 rebounds para sa Suns na nagposte ng 20-point, se­cond-quarter lead.

Nagawa namang ma­ka­bangon ng Celtics para ma­kadikit sa pagtatapos ng third quarter, 73-74.

Ngunit humataw ang Phoenix ng 8-0 atake sa pagbubukas ng final can­to para muling makalayo sa Boston patungo sa ka­ni­lang panalo.

Umiskor si Jaylen Brown ng 27 points at may 20 markers si Jayson Tatum sa panig ng Celtics.

Sa San Antonio, nagsu­mite si Joel Embiid ng 33 points at 10 rebounds sa 137-125 panalo ng Phila­del­phia 76ers (34-17) sa Spurs (14-39).

Sa Washington, kumamada si Anfernee Simons ng 33 pointssa 124-116 pagdaig ng Portland Trail Blazers (26-26) sa Wizards (24-27).

Sa Salt Lake, naghulog si Trae Young ng 27 points  sa 115-108 pagdagit ng At­lanta Hawks (27-26) sa Utah Jazz (27-27).

Sa Houston, nagsalpak si Fred VanVleet ng 32 points sa 117-111 pagpulutan ng Toronto Raptors (24-30) sa Rockets (13-39).

Sa Indianapolis, tumipa si Buddy Hield ng 21 points sa 107-104 pagtakas ng Indiana Pacers (25-29) sa Sacramento Kings (29-22).

Sa Detroit, may 22 points si Saddiq Bey sa 118-112 paggupo ng Pistons (14-39) sa Charlotte Hornets (15-39).

MIKAL BRIDGES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with