Misis diumano ng 'PBA player' shoot sa kalaboso sa 'technical carnapping'
MANILA, Philippines — Three points papasok ng kulungan ang isang diumano'y asawa ng kilalang basketbolista matapos maaresto Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) dahil sa "pagtangay" ng sasakyang kanilang inupahan.
Sa ulat ng ABS-CBN, Lunes ng umaga, tinukoy ang suspek bilang ang 37-anyos na si alyas "Beatrice Pia White" na inirereklamo ng "technical carnapping," estafa at paggamit ng pekeng pangalan.
Itinuturong kasabwat ni White ang isang pinangalanang Efcel Reyes.
"Naaresto po ito noong January 8... 11:30 p.m. May complainant po silang dalawa," pagkukumpirma ni Police Lt.Col. Christian dela Cruz ng HPG public information office sa Philstar.com kanina.
"Bale nag-rent sila ng Mitsubishi Mirage... 2019 model. Ni-rent nila for P10,000 pero hindi na nila naibalik."
Sa mga paunang balita, sinasabing nasakote sina White at Reyes matapos daw mangikil ng P80,000 mula sa car owner bago isaoli ang sasakyan.
Kasalukuyan pa ring nakakulong sa Special Operations Division ang dalawa.
"Until sa ngayon po, under investigation po 'yan. Pero naka-detain po 'yung mga suspect sa atin," sabi pa ni Dela Cruz.
Asawa raw ni Terrence Romeo?
Kapansin-pansing inilalaglag ngayon ng ilang netizens ang pangalan ng isang San Miguel Beermen PBA player bilang asawa diumano ni White.
Ayaw namang kumpirmahin ng PNP-HPG kung talagang asawa ni Terrence Romeo ang naturang suspek, na humaharap ngayon sa reklamo ng paglabag sa Article 178 (Using fictitious name and concealing true name) at 294 (Robbery with violence against or intimidation of persons) ng Revised Penal Code, at Section 4 ng Republic Act 10883 (Concealment of carnapping).
Hindi pa rin sumasagot ang basketbolista sa panayam ng Philstar.com para maibigay ang kanyang panig sa ugong-ugong.
- Latest