Ramos wagi ng 2 ginto, 1 pilak sa Jeddah tourney

MANILA, Philippines — Dalawang gold at isang silver medal ang binuhat ni Rose Jean Ramos para sa Pilipinas sa International Weightlifting Federation (IWF) Youth World Championships sa Jeddah, Saudi Arabia.

Inangkin ng 16-anyos na si Ramos ang gintong medalya sa snatch at sa total lift sa kanyang mga buhat na 67 kilograms at 147 kilograms, ayon sa pagkakasunod, sa wo­men’s 45kgs division.

Unang inilista ni Ramos ang 63kgs sa snatch bago ito pinabigat sa 65kgs  hanggang kunin ang 67kgs sa kanyang final attempt para angkinin ang ginto.

Binuhat naman ni Ramos ang 78kgs at 80kgs sa clean and jerk bago nakuntento sa 82kgs na sapat na para makopo niya ang ginto.

Ang pilak ay kinuha naman ni Ramos sa clean and jerk sa kanyang itinalang 80kgs.

Nauna nang sinikwat ng 14-anyos na si Jeaneth Hipolito ang bronze medal sa snatch event ng women’s 40kgs category.

Nakatakda ring sumalang sa aksyon sina Adrian Cristobal (men’s 61kg B), Albert Ian Delos Santos (men’s 61kg B), Christian Rodriguez (men’s 67kg B) at Lovely Inan (women’s 49kg A).

Show comments