^

PSN Palaro

9 medalya itinumba ng Philippine Youth team sa Russia

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Humakot ng siyam na medalya ang Philippine Youth team at tumapos sa third overall sa katatapos na United World Wrestling (UWW) Junior and Cadets World Grappling Championships na idinaos sa Ufa Arena sa Ufa, Russia.

Nagpatumba si Gabriel del Rosario ng dalawa sa napanalunang tatlong silver medals ng bansa sa torneong nilahukan ng kabuuang 10 bansa.

Kinuha ni del Rosario ang silver sa Gi at NoGi events ng Cadets 46kgs habang may silver din si David Zaldarriaga sa Gi event ng Cadets 42kgs. bukod sa kanyang bronze sa NoGi event.

Dalawang tansong medalya naman ang idinagdag ni Alonso Lucas Aguilar, ang anak ni URCC founder at Philippine Wrestling Fe­deration (PWF) president Alvin Aguilar, sa Gi at NoGi events ng Cadets 50kgs.

May dalawang bronze medals sina Joaquin Antonio Marte sa Cadets 58kgs at Fierre Afan sa Gi event ng Cadets 85kgs.

PHILIPPINE YOUTH TEAM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with